Naging higit na malinaw ang kahalagahan ng mga basurero bilang “essential workers,” lalo na para sa mga residente ng ilang bayan kung saan nagkalat ngayon ang basura sa kalye.<br /><br />Tumigil sa pangongolekta at paglilinis ang mga manggagawa sa gitna ng “bin strike” sa Edinburgh, Aberdeen at Glasgow sa Scotland, bilang protesta sa pagtanggi ng gobyerno na taasan ng 5% ang kanilang sahod.<br /><br />Kasabay nito ang Fringe Festival na dinaragsa ng milyun-milyong turista tuwing Agosto, kaya’t patuloy na umaapaw ang mga basurahan. Tunghayan sa video.